marahil, nang magsimula ang holiday break, 58% [pansinin na may butal pa] ng mga taong naririto sa baguio ngayon ay HINDI taga-baguio. in short--mga dayuhan, bakasyonista, turista... nandito upang magkalat ng lagim sa malamig na parte ng pilipinas.
hindi ito kaila, lalo na sa mga taga-dito tulad ko. dahil bigla-bigla na lang babaho ang simoy ng hangin, iinit, mangangamoy usok galing sa tambucho ang damit mo, at katakut-takot na traffic ang madadatnan mo sa bayan.
so, paano nga ba malalaman kung turista ang mga tao malapit sa table mo sa starbucks, o mga baguio peeps? ito ang mga ilan sa kanila:
1. HINDI SILA NAKASUOT NG JACKET O SWEATER. hindi ko alam kung saan nila nabasa na mainit ang disyembre sa baguio. pero kadalasan ng mga turista ay naka sleeveless, t-shirt lang, mini skirt, at two-piece bathing suit. tapos tsaka sila magrereklamong malamig.
2. NAKA-BONET SILANG MAY NAKASULAT NA "BAGUIO CITY". minsan pa nga, naka-bonet na, naka t-shirt pa ng "i got this shirt from baguio city, where peanuts are brittle!".
3. MAY DALA-DALANG MAPA. as if naman malaki ang baguio na pwede kang mawala.
4. MARAMI SILANG DALANG PLASTIC BAGS. iisa lang ang ibig sabihin nito, kagagaling lang nila sa wagwagan.
5. MAY DALA-DALANG CAMERA O VIDEOCAM. kasi, kung taga-Baguio ka talaga, mahihiya kang magpakuha ng picture sa view deck ng SM o kasama ng mga igorot sa botanical garden. at bakit mo naman ire-record sa video ang isang lugar na paulit-ulit mo namang nakikita, at actually, sawa ka na dito. wala na bang iba?
6. HAAN DA NGA AG-SARITA TI ILOCANO. nu taga-baguio ka, uray nu ag-saludsud ka laeng nu manu ti maysa nga kilo ti strawberries, ag ilocano ka tapnu haan da nga ingato ti presyo na.
7. MAGUGULAT SILA NA MAY SM NA ANG BAGUIO. pero hindi nila alam na umuuga ito. [sekreto lang yon, pero totoo nga...]
8. AMOY CLUTCH ANG SASAKYAN NILA. halatang hindi sanay magmaneho sa akyatan ang driver. malamang taga-baba ito.
9. KUNG MAMALENGKE AKALA MO END OF THE WORLD NA. hayup ang mga turista kung mamalengke. parang sisimutin lahat ang lamang gulay sa pamilihang bayan ng baguio. as if walang gulay sa pinanggalingan nila.
ilan lamang iyan, base sa aking sariling obserbasyon, ang paraan upang ma-distinguish ang turista sa hinde. of course, hindi lahat ng turista ay nagpo-possess ng mga nabanggit, ngunit karamihan sa kanila ay oo. sila ang mga taong nag-iiwan ng kalat sa baguio matapos ang panagbenga o nagpapayaman sa kodak sa kakadevelop ng mga litrato.
ewan kung dapat nga ba akong magsaya dahil pa-rami nang parami ang turista sa baguio. kung titignan ko ang baguio ngayon at ikumpara kung ano sya limang taon ang nakakaraan, malamang manlulumo lang ako.
kung ito nga ba ang bunga ng industrialisasyon, marahil gusto ko na lang manatiling isang remote place ang baguio kesa sa makita ko ang pagkasira nito.
Currently feeling: sabog, as usual