what if tomorrow i may never wake up? what if tomorrow i will die? just a thought... a lot of things can happen in 24 hours, and one of those is dying. what if a psychopath just stab you in the chest while walking home with your friend? what if you just happen to be hit by a car with a drunk driver? what if later i just decide to take my own life?
a lot of people are afraid of death. just the word sends shivers down their spines. who would want to die anyway? but... if ever tomorrow i will be deprived of oxygen, i would want to say my goodbyes to a few friends who i know will read this...
for jenn :
jenny, you've been one of god's best gifts to me, have i ever told you that? i am ever thankful for having you. remember what i told you last night when you and i are talking at the messenger? that you constantly have to remind me that you're
always there for me no matter what because i tend to forget that sometimes? please do,
jenn. sometimes i am blinded with so much problems that i fail to see your hand reaching out, waiting for me to touch it. you have always helped me make it out the hard waters and into the dry land. will i ever know what i have done to deserve a friend like you? i miss the times when you, me, neesh, redj, and tinay hang-out and drink. somehow, being with you guys makes me feel a little less alone, a little more happy. i miss the times when i get drunk and cry the hell out in front of you guys and you will just hug me, rub my back and say
'i-iyak mo lang yan, tol. ok lang yan..' you'll never know how much those words mean to me. you have been one of the few people who have seen the real erwilyn lei solito. that behind the happy mask and the strong personality, there is weakness and sadness. i want to say thank you so much for
everything . and sorry for my shortcomings, for not being there when you needed someone, for not bringing back the things i borrowed from you on time, for not giving the best advices, for doing nothing to solve your problems, for being secretive, and for being such a stupid friend. i will never forget you. i'll see you up there,
jenn. i love you.
rock on.
for ritch :
boyfriend
ritch, nais kitang pasalamatan sa lahat ng iyong tulong at lessons tungkol sa sex. nais din kitang pasalamatan dahil lagi kang nandyan upang makinig sa mga kabalbalang nalalaman ko. kahit minsan wala nang saysay ang mga pinagsa-sasabi ko, nakikinig ka pa rin. naalala ko nung binigyang buhay mo si Ka-I, hindi ko alam may natatago ka palang talento sa pag-arte. magkasama tayo halos sa lahat, sa white and blue, sa teatro nightingale, sa inuman, sa tawanan, at iyakan. naalala mo pa ba nung sabihin mong aalis ka na papuntang states? langya, pina-iyak mo kaming lahat. pero laking tuwa ko nang hindi ka matuloy. siguro may dahilan. sabi mo nga may dahilan para sa lahat, di ba? salamat nga din pala ikaw ang nagpakilala sa akin kay bob ong, na ngayon ay nagsisilbing inspirasyon nating tatlo nila rhymes. hindi ka lang mabuting manunulat, isa ka ring mabuting nilalang na may ginintuang puso. salamat sa mga aral sa pag-ibig at pakikipasapalaran. sorry dahil nawala ko ang cd mo ni lani misalucha. nasa'yo pa naman ang cd ko ng parokya ni edgar kaya patas lang. salamat sa lahat, tol. mag-iingat ka.
sana makolekta mo lahat ng fhm. mwah.
for rhymes :
ryan, ryan, ryan...ang aking yosi buddy...alam kong masaya ka ngayon sa piling ni guia. marahil hindi lang masaya--masayang-masaya. ingatan nyo ang isa't-isa. all the luck. sana magkatuluyan kayo balang araw. salamat nga pala sa pag sama sa akin sa pagyoyosi. kung alam mo lang, laking tulong non. alam mo namang yosi at inom lang ang paraan ko ng pagtakas sa masalimuot na mundong ito. bukod sa iyak. salamat din sa mga naitulong mo sa akin, hindi mo man sinasadyang matulungan ako. rhymes, you're a good person. alam kong malayo ang mararating mo. hawak lang ng mahigpit, you'll see. kahit na bihira na tayong magsama, at minsan sa gimbals na lang tayo nagkikita kung hindi man sa corridors ng adenauer, tandaan mong kahit papaano, naging parte ka ng walang kwentang buhay ko. salamat sa pagtawa sa mga corny jokes ko. sorry dahil tinawanan kita nung mag-text si badong sayo. eh tol, nakakatawa naman kasi talaga. good luck. tingin lang sa kalangitan, andun ako.
remember san beda.
for odie :
tol, kahit wala kang tabulas, susulatan pa rin kita. nakakatawa ano? opposite na opposite tayo pero best chummies pa rin. hinding-hindi ko malilimutan ang mga hapong kasama kita sa jeep pauwi. ang mga tsismis at pagkaing pinagsaluhan natin at ang mga corny jokes na pinagtawanan natin ng ubod ng lakas. kahit na pinagtitinginan na tayo ng mga tao sa loob ng jeep, carry lang. ikaw at ako, payat at mataba, kape't gatas, kahit na anong ipinagkaiba natin sa pisikal na anyo, magkaparehong-magkapareho tayo ng niloloob. naalala mo ba nung umiiyak sa sa loob ng cr? alam kong hindi ko kayang solusyonan ang nararamdaman mong sakit nang mga pagkakataong iyon, ngunit napangiti pa rin kita hindi ba? halakhak lang ang kaya kong ibigay sayo odie, ang gawin kang masaya kahit bumabagsak na tayo sa physics, ang pangitiin ka kahit alam kong nandyan pa rin ang sakit dulot ng una mong pag-ibig. isang napakalaking pasasalamat sayo... ikaw ang naging sandalan ko sa pamamagitan ng mga katatawanang sabay nating tinawanan. salamat sa mga payo, kahit walang kwenta ang mga ito. hindi ko man sabihing may problema ako, hindi mo na kailangang malaman pa ito--dahil itatawa at itatawa ko rin lang. kahit puro barkada natin lalake, at minsan ay pati tayo napagkakamalang lalake na rin, carry lang. hindi nila alam, isa kang tunay na kaibigan. tulad ni
jenn, isa kang biyaya. alam kong darating din ang prince charming mo, maghintay ka lang. salamat sa saya't lungkot. friends hanggang magunaw ang mundo.
tataba ka rin.
for faith :
faith, maganda naming photojourn... sabi nga nila, we all have our own story to tell. and yours is one of the most colorful. masaya ako at nakilala kita. sa kakaunting oras, nagng close tayo. una dahil sobrang bait mo, at pangalawa, sobra kang nakakatawa. you brighten up everyone's day with your funny antics. iilan lang ang tulad mong may kapasidad na patawanin ang mga tao sa paligid. matalino ka, mabait, maganda... it's junie's fault, not yours. lost nya yon lola, hindi sayo. hindi kita makakalimutan ever. isa ka sa mga dahilan kung bakit masaya ang mga tao sa loob ng office. salamat sa mga ngiting naidulot mo sa akin. makakahanap ka pa ng ibang papa who will deserve you, and who you will deserve in return.
thanks for everything.
for ate ciao :
utang ko sayo ang buhay ko, di ba? hehehe... salamat sa hindi pag-iwan sa akin sa lunduyan. kahit na noong EIC ka, abot-kaya ka parin. si ate ciao na madaling patawanin, si ate ciao na institusyon, si ate ciao na may mahal na brix, si ate ciao na matalino at mabait. kahit bihira tayong magkasama, nakulayan mo rin ang buhay ko. tenchu sa lahat. lalo na sa tinuro mong kalandian.
mabuhay ka.
for ate rach :
mama rach, salamat sa mga yakap. they mean so much. ingat lagi. kahit mawala na ako. ang puso mo ay napakalaki, mag-iingat ka sa mamahalin. at ate rach, it was not a sign. alam mo na yon.
*hug*
for rocky, nicho, steve, marco, jerome :
mga tol, salamat sa lahat. magkita-kita tayo sa taas.
white and blue :
salamat sa pagkakataong binigay nyo sa akin upang kahit papaano ay masilbihan ang mga estudyante. sorry kung makalat ako sa office, sa mga late na articles, sa hindi pag-attend sa ilang meetings, sa pagkain ng marami sa GA, sa pagtawa ng malakas, at sa lahat ng pagkakamali ko. salamat naman sa kabilang banda dahil natutunan kong magkaroon ng sariling prinsipyo at natutunan kong lumaban para sa bayan.
ipagpatuloy ang magandang adhikain.
people in tabulas :
enjoy life, you can't get out of it alive anyways....
Currently feeling: levated